walang kokontra

Walang happening.

Di pwede to.

Antagal ko na sa project na to.

Di pwede to.

Hindi daw ako mapapdala sa ibang bansa sa project na to.

Di pwede to.

Gusto ko na lumipat ng project.

Di daw pwede to.

Napadala na sila… Nasa ibang bansa na sila.. May sariling negosyo sila.. Nag-aaral sila… Ako hindi.

Di talaga pwede to.

Kelangan maghanap ng bagong trabaho.

Di pa pwede to.

Kelangan mag-aral na lang muna para umasenso.

Sana pwede na to.

Kelangan ng laptop para maging seryoso sa pag-aaral.

Sana pwede na to.

Di ba mashadong maluho ang laptop?

Pwede naman siguro to.

Magse-seryoso na ko.

Pwede ba to?

Nakakatanda ang pagiging seryoso.

Di pwede to.

Pero kung di ka magse-seryoso ngaun, kelan pa?

May point, pwede to.

One Response to “walang kokontra”

  1. topeng Says:

    pwede!

Leave a Reply