Archive for February, 2006

valentines day

Monday, February 27th, 2006
  • Flowers: check! (Orange tulips ulit ;))
  • 107_0720

  • Chocolates: check! (Ferrero Rocher at Hershey’s Cookies and Cream)Cimg0017
  • Greeting card: check! (through email at may wallpaper pa ng bagong tiger stuff toy ko)Mushy_valentine_wallpaper
  • Harana: check! (napag-tripan ata ako dito kasi iba ung kinanta (Makita Kang Muli) sa ni-request (Kapag Nawala Ka). Ang drama tuloy.. feeling ba nila ala-Panday ang love story namin?! =)))

San ka pa! What more can I ask for? Physical presence siguro..bwehehe.

hot air balloon

Monday, February 27th, 2006

Noong ika-11 ng Pebrero, pumunta (blech!) kame ng ilan sa aking batsmeyts sa Clark, Pampanga para manuod ng hot air balloon festival. (obvious ba sa title? :p) Nagsimula ang lahat sa pagsundo sa kin ni erin at daryl sa bahay. dapat dadaanan muna ni daryl si mike sa sm bicutan pero wla pa sha dun. After daanan si mike, si paulo naman sa may bandang edsa central tapos si vina sa bahay niya sa 14th st. Ang haba ng eksplanasyon ko noh. Actually, gusto ko lang enumerate kung sino ung mga sumama. Anyway, medyo nahuli na kami ng alis ng maynila kaya isang bughaw na lobo na lng ang naabutan namin. Naglibot libot kami sa grounds at nag picture ng kung ano ano. Ganito ang mga panahon na sana maganda ang camera ko kasi di ko makuhanan ang mga lumilipad sa langit tulad ng lobo, mga saranggola at kung ano ano pang eksibisyon. tapos, kumain na ng "breakfast". shempre, sa batch namin, hindi mawawala ang KFC sa daily diet. tapos tambay at habol ng tulog kasi napakaaga itong gimik namin. tapos kain ulit ng lunch naman pero d na KFC this time. tapos tambay uli at konting laro ng volleyball. bigla namin naisip na sana nagdala kami ni gitara o baraha. in fairness, medyo prepared kami kasi may picnic table at banig kami. tapos uwi na pero nag stop-over muna kami sa isang Select na convenient store. tapos tambay ulit. napagtripan namin ung malapit na playground at nagpicturan. para may group pix naman kami kahit papano, nagsisikan kami sa isang slide at nilagay sa timer ang camera. ayun..

Monday, February 27th, 2006

Ano ba yan… andami na nangyari, wla pa rin ako nasusulat… nate-tempt na naman kasi ako mag bulleted format e.. siguro OC-OC lng ko pagdating sa ganyan o baka nakikinita ko na ang madalas na paggamit ng salitang "pumunta". o sya sya, eto na ang mga nangyayari.. hot air balloon, valentines day, outreach, baguio (panagbenga). yan, tsaka na ung mga details…yeah right! i guess beating around the bush is really not my thing.